DAGUPAN CITY- Patuloy na pinananatili ng Lingayen Police Station ang ligtas at mapayapang kapaligiran sa bayan sa pamamagitan ng mas pinaigting na round-the-clock mobile patrolling operations.
Sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol. Junmar C. Gonzales, Chief of Police, walang humpay ang pagbabantay ng kapulisan upang matiyak ang seguridad ng bawat komunidad sa Lingayen.
Araw at gabi ang isinasagawang pag-ikot ng mga mobile patrol units sa mga pangunahing lansangan, residential areas, at mga pampublikong lugar.
Layunin nitong palakasin ang presensya ng kapulisan sa komunidad bilang panangga laban sa kriminalidad at upang agad na matugunan ang anumang posibleng banta sa kapayapaan at kaayusan.
Mahigpit ding mino-monitor ng Lingayen Police Station ang anumang kilos o sitwasyon na maaaring magdulot ng kaguluhan, upang mapanatili ang tahimik at ligtas na kapaligiran para sa mga pamilya at residente ng bayan.
Ang tuloy-tuloy na pagpapatrolya ay bahagi ng mas malawak na estratehiya ng kapulisan sa pagpapanatili ng peace and order sa buong munisipalidad.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na mobile patrolling operations, muling pinagtitibay ng Lingayen Police Station ang kanilang pangako na magsilbi at magprotekta sa komunidad.
Tiniyak ng kapulisan na mananatili silang nakaantabay sa lahat ng oras upang mapanatiling ligtas, maayos, at mapayapa ang bayan ng Lingayen.










