Dagupan City – Trahedya ang sinapit ng dalawang magkaibigan matapos silang masawi sa isang aksidente sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. San Leon sa bayan ng Umingan, pasado alas tres ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na residente rin ng nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon, galing sa inuman ang magkaibigan at pauwi na sakay ng motorsiklo nang aksidente silang sumalpok sa pader ng isang paaralan.

--Ads--

Dahil sa impact, nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Agad naman silang dinala sa pagamutan, ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad na mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang kahalintulad na aksidente.