Makakaharap ngayong araw ni Pinay Tennis star Alex Eala para sa kanyang inaabangang home debut laban sa Russian netter na si Alina Charaeva sa Philippine Women’s Open.
Maagang dumating sa ensayo kahapon ang Filipino tennis sensation, bitbit ang seryosong disposisyon at matinding pokus na malinaw na sumasalamin sa bigat ng laban.
Sa bawat palo, galaw ng paa, at pagsunod sa taktika, determinado si Eala na ipakita ang kanyang kahandaan sa harap ng mga kababayang tagahanga na inaasahang dadagsa upang suportahan siya.
Ang laban kontra kay Charaeva ay hindi lamang isa pang match para kay Eala, kundi isang makasaysayang sandali kung saan ito ang kanyang unang pagharap sa isang international tournament sa sariling bayan.
Kilala si Charaeva bilang isang matatag at disiplinadong manlalaro mula Russia, kaya’t inaasahan ang isang matinding sagupaan.
Gayunpaman, nananatiling kumpiyansa si Eala, na patuloy na pinahuhusay ang kanyang baseline game, consistency, at mental toughness para sa kanyang pag-angat sa international tennis scene.










