Dagupan City – Mabilis na naapula ang sunog na sumiklab sa isang bahay sa Brgy. Mabanogbog sa Urdaneta City kamakailan.
Ayon sa mga otorida, nagsimula ang sunog bandang 6:58 PM kung saan naireport ito sa Urdaneta City Police Station (CPS) at BFP Urdaneta at agad silang rumesponde sa lugar.
Kaugnay nito, idineklarang fire out ang sunog bandang 7:28 PM kung saan wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
--Ads--
Samantala, ang may-ari ng bahay ay isang 47-taong gulang na babae, may asawa, vendor, at residente ng nasabing barangay.
Dahil sa nangyari, patuloy ang imbestigasyon dito para malaman ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala.










