Tinalakay ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang mga napaulat na quarrying activities sa ilang lugar sa bayan upang masuri ang sitwasyon at mapag-aralan ang mga posibleng hakbang para sa mas mahigpit na regulasyon.
Ipinresenta sa pagpupulong ang umiiral na Zoning at Land Use Plan ng bayan bilang mahalagang batayan sa pagsusuri at pagdedesisyon hinggil sa paggamit ng lupa.
Binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng maayos na land use planning upang matiyak na ang anumang aktibidad sa lupa ay naaayon sa mga itinakdang patakaran at hindi makapagdudulot ng panganib sa kapaligiran at komunidad.
Bilang bahagi ng mga napag-usapan, pinag-aralan din ang pagbuo ng isang Technical Working Group para sa quarrying at mining.
Layunin ng naturang grupo na palakasin ang koordinasyon ng mga tanggapan, higpitan ang regulasyon, at tiyakin ang epektibong pangangasiwa sa mga aktibidad na may kaugnayan sa quarrying at mining alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon ng pamahalaan.










