DAGUPAN CITY- Ipinaliwanag ng Federation of Free Workers ang karapatan ng mga manggagawa na binabalak nang mag-resign.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers, aniya, kabilang sa mga dapat matanggap ng mga empleyado sa kanilang resignation ay ang 13th month pay, last/final pay, separation pay batay sa napagkasunduan, monetized ng mga hindi nagamit na service incentive leave, at allowance batay sa collective body agreement.

Bukod pa riyan, aniya, kinakailangan maibigay ng kompanya ang Certificate of Employment ng mga non-retirable employees, o ang mga wala pa sa retirement age, sa loob ng tatlong araw.

--Ads--

Nagpaalala si Matula na may ilang huling benepisyo ang nangangailangan muna ng clearance bago ito matanggap.

Saad pa niya, wala naman separation fee sa security of tenure nito maliban na lamang sa ilang mga authorized causes, tulad ng retrenchment, surplus labor, at adoption of labor-saving devices.

Ito naman ay dapat matanggap ng manggagawa sa loob ng 30 araw.

Samantala, nasa batas na kinakailangan ang 30-day notice bago ang opisyal na pag-alis ng isang empleyado upang matukoy kung awtorisado itong matanggap ang separation pay nito.

Maaari naman magsampa ng kaso ang resigned employee na pinagkaitan ng kaniyang karapatan at benepisyo.