DAGUPAN CITY- Opisyal nang inanunsyo ng Pangasinan State University (PSU) ang pagbubukas ng college admission para sa mga incoming first year students para sa School Year 2026–2027.
Isinasagawa ang pagtanggap ng mga aplikante sa pamamagitan ng University Admission and Guidance Office ng unibersidad.
Saklaw ng admission ang lahat ng siyam na kampus ng PSU sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, na nagbibigay ng mas malawak na oportunidad sa mga mag-aaral na nagnanais makapagpatuloy ng mataas na edukasyon.
Layunin ng unibersidad na makapagbigay ng de-kalidad, abot-kaya, at makabuluhang edukasyon na tutugon sa pangangailangan ng komunidad at ng bansa.
Bahagi ng proseso ang pagsusuri sa mga dokumento at pagsunod sa mga itinakdang pamantayan ng unibersidad upang matiyak ang kahandaan ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Patuloy na pinapalakas ng Pangasinan State University ang mga programa at serbisyo nito upang makalikha ng mas maraming iskolar ng bayan na may sapat na kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga.
Sa pagbubukas ng college admission, inaasahang mas marami pang kabataang Pangasinense ang magkakaroon ng pagkakataong makamit ang kanilang pangarap sa edukasyon.










