DAGUPAN CITY- Hindi naiiba ang isinampang impeachment complaint laban kay Vice President sara Duterte ang isinampa naman laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Edward Chico, Political Analyst, aniya, bagaman isa itong political exercise subalit, isang katanungan ngayon kung may bilang ba ito laban sa pangulo.
Nakabatay na lamang sa kongreso kung maituturing na malalim ang pinagbabasehan nito.
Aniya, magiging mahirap na batayan ng pagdedemanda kay PBBM ang pagkakasangkot nito sa kurapsyon dahil walang direct evidence na makapagpaaptunay nito.
Subalit, maaaring maging legal na batayan ang pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Bagaman dalawang mataas na opisyal ang nahaharap sa impeachment complaint, dito na aniya makikita kung sino ang may kontrol sa mababang kapuluan.
Samantala, sang-ayon si Atty. Chico sa pagkakaroon ng one year bar rule.
Aniya, ito ay upang maiwasan ang agarang pagsasampa ng reklamo sa tuwing natatalo ang isinasampang reklamo.










