Nasawi ang dalawang katao sa vehicular traffic incident na naganap sa San Jose Bridge sa kahabaan ng national road ng Barangay Naguilayan, Binmaley, Pangasinan.

Sangkot sa insidente ang isang modernized jeep at isang tricycle.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang jitney ay patungong Binmaley habang ang tricycle naman ay patungong Dagupan City.

--Ads--

Pagdating sa lugar ng insidente, biglang kumabig pakaliwa ang tricycle at pumasok sa linya ng kasalubong na sasakyan, na nagresulta sa isang head-on collision.

Dahil sa lakas ng banggaan, nagtamo ng malubhang pinsala ang drayber ng tricycle at ang kanyang pasahero at agad na isinugod sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City.

Kinumpirma ng attending physician na dead on arrival ang pasahero ng tricycle, habang kalaunan ay binawian din ng buhay ang drayber nito habang ginagamot sa ospital.

Ang drayber ng jeepney ay hindi nasugatan at dinala sa ospital para sa medical examination.

Lumabas sa isinagawang alcoholic breath test na positibo sa alak ang drayber ng tricycle, habang negatibo naman ang drayber ng jeepney .