Nahuli ang itinuturing na high-value individual (HVI) sa lungsod ng Dagupan matapos magsagawa ang kapulisan ng isang buy-bust operation.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO1 at iba’t ibang yunit ng pulisya sa Dagupan City.
Kinilala ang suspek bilang isang 27-anyos na babae, single, walang trabaho, at residente ng lungsod.
--Ads--
Nakumpiska sa kanya ang tinatayang 12 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱81,600.00.
Narekober din ang iba pang ebidensya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










