DAGUPAN CITY- Hindi nahasang ‘foundational skills’ sa ika-unang baitang ang nakikita umanong ugat sa inilabas na datos ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na pagbaba ng proficiency skills ng mga nasa Grade 3-Grade 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Arlene James Pagaduan, Presidente ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT), aniya, magiging mahirap lamang o imposible para sa mga mag-aaral na makisabay sa mga komplikadong aralin sa mga susunod na baitang.

Batay sa EDCOM 2, bumagsak sa 0.47% ang proficiency rate ng mga Grade 12 mula sa 30% sa Grade 3.

--Ads--

Gayunpaman, hindi makatotohanan para sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies ang kasalukuyang 75% cut off para matawag na proficient.

Aniya, nakikita lamang na hindi asintado ang Assesment standards upang masukat ang Proficiency level ng mga mag-aaral at aktwal na kakayahan ng mga ito.

Giit naman ni Pagaduan na mas malala ang kalagayan ng mga nasa ilalim ng Geographically Isolated Disadvantage Area (GIDA) dahil halos walang Grade 12 students ang umabot sa pasadong proficiency level.

Bukod kase sa education crisis, may iba pang aspeto na nakakaapekto sa pag-aaral tulad ng kahirapan at kakulangan sa mga paaralan.

Nakakaapekto rin ang overloading na trabaho ng mga guro para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Samantala, naniniwala si Pagaduan na ang pagtuon lamang sa basics at hindi pag-imbento ng iba pang pamamaraan ang kinakailangan upang hindi maiwan sa susunod na level ang mga estudyante.

Kung hindi rin naman mababago ang pananaw sa sistema ng edukasyon sa bansa ay hindi lang 10 taon ang aabutin upang malutas ang problema.

Mungkahi naman niya na palakasin ang mga mahahalagang aspeto para mapataas ang learning competencies.