DAGUPAN CITY- Halo-halo ang reaksyon ng mga kaalyado ni US President Donald Trump, lalo na sa mga democrats, hinggil pag-angkin nito sa Greenland at pagpataw ng 10% taripa sa walong bansa sa Europa na tumututol sa kaniya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba, Bombo International News Correspondent sa USA, aniya, may ilang mga mambabatas sa Amerika ang hindi ito pinapaburan upang maprotektahan ang pagkakaisa ng 27 kaalyado sa Europa.
Kabilang naman umano sa papatawan ng taripa ang mga bansang nagpadala ng sundalo at lumahok sa “Operation Endurance”.
Ani Madamba, ang pagkakaroon ng ‘Economic Pressure’ ay magiging balakid sa pagresolba ng ‘di pagkakaunawaan ng mga bansang kaalyado ng Estados Unidos.
Samantala, unang termino pa lamang umano ni Trump nang balakin nitong angkinin ang Greenland.
Ito ay upang maprotektahan ang nasabing bansa mula sa impluwensya ng mga bansang katulad ng Russia at China.
Pinang hahawakan naman ni Trump ang Defense Agreement noong 1951 kung saan pinahihintulutan nito umano ang military access ng US upang angkinin ang nasabing bansa.










