Dagupan City – Nagtamo ng sugat ang isang 78-anyos lalaki matapos siyang mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa McArthur Highway sa Poblacion Zone 5 sa bayan ng Villasis.
Batay sa mga kapulisan na sakay ng isang silver na bisikleta ang nasabing senior citizen na residente ng Villasis nang banggain ito ng isang puting motorsiklo na minamaneho ng isang 33-anyos na lalaki na residente rin ng Villasis.
Base sa imbestigasyon, patungo sa timog ang motorsiklo nang bigla umanong tumawid ang cyclist mula sa kanluran.
--Ads--
Agad namang dinala sa ospital ang dalawa na parehong sugatan habang nagtamo naman ng pinsala ang bisikleta at motorsiklo at kasalukuyang nasa kustodiya ng Villasis MPS.










