Inaabangan na ng maraming tennis fans sa bansa ang unang pagsabak ni Pinay tennis star Alex Eala sa Australian Open.

Sa unang round ay makakaharap nito si Alycia Parks ng US kung saan magsisimula ang laro nila ng alas-9 ng umaga ngayong Enero 19 oras sa Pilipinas.

Sinabi ng 20-anyos na si Eala , na handa-handa na ito na ito ang unang pagkakataon na makapaglaro ang isang Pinay sa main draw ng Australian Open.

--Ads--

Noong 2020 ay nagkampeon na si Eala sa Australian Open junior girls doubles kasama si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia.

Malaking hamon kay Eala kay Parks na ranked 100 dahil sa nakuha nito ang may pinakamabilis na mag-serve.

Maglalaro din si Eala sa doubles kung saan kasama niya si Ingrid Martins ng Brazilian na ranked 79 at ang unang makakaharap nila ay sina Shuko Aoyama ng Japan at Magda Linette ng Poland na magsisimula sa mga susunod naman na araw.