DAGUPAN CITY- Halos imposible umanong matukoy agad na nakararanas ng Super Flu ang isang pasyente, gayunpaman hindi na ito bago.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate, aniya, batay sa kanyang kaalaman, mutated variant lamang ito ng isang existing virus.
Aniya, ang mga sintomas tulad ng ubo, sipon, at lagnat ay hindi naiiba sa iba pang Influenza-like Illnesses.
Mas malala at tumatagal lamang ang sintomas na pinaparanas nito sa isang pasyente lalo na sa mga immunocompromised patients.
Binigyan diin naman niya na may hangganan lamang ang viral infection at sa malakas na resistensya ay bumababa rin agad ang lagnat.
“Prevention is better than cure” ani Soriano bilang pinakamabisang pamamaraan upang maiwasan ito.
Mahalaga aniyang palakasin agad ang immune system sa tulong ng bitamina, suplements, at regular na pag-ehersisyo.
Samantala, kung nakararanas na ng mga sintomas ay agapan na ito agad ng gamot at mag-isolate na.
Kapag nararamdaman ang paglala ay pumunta na agad na malapit na pagamutan o ospital.










