Dagupan City – Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 ang mas maraming micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na ipakita ang kanilang mga produkto dahil malaki ang tyansa ng mga ito na mapabilang sa International Food Exhibition (IFEX).

Ayon kay Natalia Dalaten, Asst. Reg. Dir. DTI Region 1 & Prov. Dir DTI Pangasinan, nakikita ang mga produkto ng lokal na MSMEs na makasama na sa IFEX, at patuloy pa rin ang paghikayat sa iba pang MSMEs na makilahok sa naturang pagtitipon.

Sinisigurado rin ng mga opisyal na maingat na sinusuri ang mga produkto upang maisama sa mga susunod na dikwento caravan sa mga munisipyo, kung saan maaaring ipakita ang lahat ng mga MSME products.

--Ads--

Ipinunto naman ni Merlie Membrere, Regional Director, DTI Region 1 na sila ay nakatuon sa mga private beneficiaries, na itinuturing ding mahalagang sektor ng lipunan.

Bagama’t ang ilang produkto ay galing sa LGU, maaari pa rin itong maipakita sa mga caravan store, dahil wala namang mahigpit na limitasyon sa paglahok.

Binibigyang-diin din na ang mga produkto ng mga magsasaka at CARP beneficiaries ay patuloy na tinutulungan simula pa noong pagsisimula ang programa noong 1989.

Sa ngayon, marami nang natulungan hindi lamang sa pagsasaka kundi pati na rin sa pagnenegosyo, na nagpapatunay sa tagumpay ng programang pang-ekonomiya para sa mga MSMEs.