DAGUPAN CITY- Nananawagan ang Philippine Red Cross Pangasinan Chapter sa muling pagdonate ng mga donor upang matugunan ang kakulangan ng suplay ng dugo.

Sa ekslusibong panayam kay Rex Vincent Escaño, OIC/Administrator ng ahensya, aniya, simula pa lamang ng Disyembre noong 2025 ay naranasan na ito dahil sa pagtaas ng demand ng dugo sa mga ospital.

Bagaman, nagkakaroon ng blood donation activities ay hindi pa rin sumasapat ang suplay.

--Ads--

Gayunpaman, sa ngayon ay natutugunan pa nila ang mga nangangailangan ng dugo.

Hinggil dito, bukod sa mga dengue patients at mga sumasailali, ng dialysis, karaniwan sa mga nangangailan ay ang mga biktima ng vehicular accident at mga nanganganak.

Maliban sa panawagan sa mga dating donors, hinihikayat din nila ang mga bagong donors na makapag-donate ng kanilang dugo sa blood service facilities ng nasabing ahensya.

Bukod pa riyan, aktibo naman sila sa information dessimination at paglapit sa mga barangay ng blood letting activities.

Dagdag pa ni Escaño, sa buong taon ay nangangailangan ang lalawigan ng hindi bababa sa 25,000 blood units.