Dagupan City – Nagsagawa ng pagpupulong ang Land Transportation Office (LTO) Region 1 upang matiyak na pare-pareho ang implementasyon ng mga polisiya sa lahat ng district offices bilang tugon sa mga naging isyu sa pagpapatupad ng mga patakaran
Layunin ng pagpupulong na maiwasan ang “operational gaps” o pagkakaiba sa pagpapatupad ng mga patakaran dahil sa mga updates o pagbabago sa LTO.
Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng tamang pang-unawa at komunikasyon sa mga polisiya upang maipatupad ang mga ito nang wasto.
Dapat umanong maunawaan at maipabatid nang malinaw ang mga updated na polisiya at issuance mula sa central office hanggang sa mga district offices.
Sa ganitong paraan, magkakatugma ang implementasyon at maiiwasan ang operational gaps.
Ayon sa LTO, ang pagpupulong ay bahagi ng kanilang pagsisikap na magbigay ng maaasahan at kalidad na serbisyo sa transportasyon at matiyak ang maayos na pamamahala sa mga kakalsadahan.










