Dagupan City – Binawian ng buhay ang isang 63-anyos na lolo matapos maaksidente sa Barangay Gonzalo sa bayan ng San Quintin.
Ayon sa impormasyon, naganap ang insidente pasado alas diyes ng gabi.
Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang bigla umanong mabangga nito ang isang L300 van na nakaparada sa gilid ng kalsada.
--Ads--
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad siyang isinugod sa pagamutan, ngunit idineklarang dead on arrival.
Patuloy naman ang paalala ng kapulisan sa mga motorista na ugaliing mag-ingat para maiwasan ang anumang uri ng aksidente.










