Mga kabombo! Sabi nga nila maraming kayang gawin ang AI!
Kayang gumaya ng mukha, boses, pustora, o anyo. Kaya rin nitong gumawa ng school works/paper works.
Pero paano na lamang kung pati ang mensahe mo sa pinaka-importanteng araw ng buhay mo ay i-aasa mo rito?
Ito kasi ang nangyari sa isang kasal sa Netherlands.
Kung saan, dahil umano rito, ibinaba ng korte sa Overijssel province sa Northern Netherlands matapos nitong ideklarang “walang bisa” o invalid ang kasal ng isang mag-asawa dahil lamang sa wedding speech na gawa ng artificial intelligence (AI).
Nangyari ang kasal noong April 2025 kung saan ang itinalagang officiant (na kaibigan ng couple) ay gumamit ng AI application na ChatGPT upang gumawa ng mas “romantic at informal” na wedding vows.
Ngunit sa kasamaang palad, nakaligtaan ng ChatGPT na isama ang mandatory declaration sa ilalim ng Dutch Civil Code kung saan pormal na tinatanggap ng magsing-irog ang isa’t isa bilang legal na mag-asawa.
Dito na nagtaka at nadiskubre ng munisipyo ang kakulangan nang irepaso ang video ng wedding ceremony, kaya’t agad itong ipinaabot sa piskalya para ipawalang-bisa ang marriage certificate.
Bagama’t nakiusap ang mag-asawa na kilalanin pa rin ang kanilang kasal dahil “trivial” lamang ang pagkakamali sa wording at naroon naman ang isang opisyal para manood, nanindigan ang korte na hindi maaaring isantabi ang batas.
Dahil dito, sa legal na pananaw, hindi kailanman nangyari ang kanilang pag-iisang dibdib.









