DAGUPAN CITY- Nakauwi na sa Brgy. Duplac, sa Urbiztondo, Pangasinan ang labi ni Erma Peralta Valerio, pinay na nasawi sa Vallejo, California noong nakaraang December 10, 2025 matapos barilin ng kaniyang kinakasama.

Dumating ang labi ng nasabing ‘breadwinner’ noong January 9 sa tulong ng kaniyang mga katrabaho sa Amerika.

Nakatakda naman ang libing ni Erma sa darating na huwebes, January 15.

--Ads--

Labis naman ang kalungkutan ng naiwang pamilya sa nangyari sa kanilang kaanak.

Ayon umano sa mga katrabaho ni Valerio, balak nitong umuwi noong December subalit nangyari ang hindi inaasahan.

Samantala, dalawang araw makalipas ang krimen ay naaresto ang kinakasama ni Valerio at kinilalang si Zheer Queja Malassab.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso ni Malassab sa California at tinitignan pa ang ibang anggulo ng krimen.