Mga kabombo! Nag-anunsyo na ang mga Fuel retailers ng mga pagbabago sa presyo sa produktong petrolyo na ipapatupad bukas, January 13, 2026.
Muling magpapasakit ng bulsa ng mga motorista ang muling pagtaas ng presyo.
Sa magkahiwalay na abiso, ang Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. ay magtataas:
P0.30 kada litro ng Gasolina,
P0.20 kada litro ng Diesel,
At P0.30 naman sa kada litro ng kerosene.
--Ads--
Parehong pagbabago rin ang ipapatupad ng Cleanfuel at Petro Gazz, maliban na lamang sa kerosene na hindi nila dala.
Magsisimula ang pagpapatupad ng Alas-6 ng umaga, habang ang ibang kompanya ay sa alas-4 ng hapon.










