DAGUPAN CITY- Inilahad ni Kapitan Herminigildo Rosal ng Barangay 1 ang mga prayoridad nila sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan at sa kanilang barangay ngayong 2026 kabilang ang trapiko, krimen, basura, at seguridad.

Aniya na sa tulong ng alkalde at konseho sa kanilang isinagawang pagpupulong noon, ipatutupad ang mga bagong patakaran para sa mga nagtitinda, kasama ang one-way traffic scheme sa bawat sasakyang pumapasok at pagbabawal sa pagpaparada sa harapan ng barangay hall maliban sa kanilang emergency vehicles.

Saad nita na sa tulong mga CCTV Camera at Public Address ay mas nababantayan nila ang mga krimen na maaring maganap sa kanilang lugar dahil sentro ito ng kalakalan kung kaya masasabi niyang nabawasan na ang mga reklamong nauugnay dito.

--Ads--

Ibinahagi naman nito na sa usapin ng basura, kung saan nagtaka siya sa dami ng basurang itinatapon sa kanilang barangay kahit maliit lamang ito at napag-alaman na may mga ilang indibidwal na nagdadala ng kanilang basura mula sa kanilang bayan o Barangay na iniiwan na lamang dito kaya hinuhuli nila, pinagmumulta at ipinababalik ang basurang kanilang dala.

Para sa seguridad, malaking tulong ng public address system na kanilang proyekto para paalalahanan ang mga tao sa mga mandurukot o iba pang sitwasyon na maaring makapahamak sa mga ito.

Pagmamalaki din nito na medyo bumaba na rin ang mga kaso ng ilegal na droga, sa tulong ng dagdag na pulisya na nagbabantay sa kanilang barangay at sa mga sumbong ng kanilang mga residente.

Sa huli, nagpasalamat si Kapitan Rosal sa mga residente ng Barangay 1 sa kanilang pakikipagtulungan sa paglutas ng mga problema sa barangay kaya umaasa siya na magpapatuloy ang kanilang pagtutulungan para mas mapaganda pa ang kanilang nasasakupan.