DAGUPAN CITY- Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng Dagupan City Police Office sa Barangay Lasip Grande ang isang may-ari ng kantina.

Kinilala ang suspek bilang isang 41-anyos na residente ng Barangay Bonuan Gueset sa nasabing lungsod.

Sa operasyon, nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 22 gramo at nagkakahalaga ng ₱149,600.00, kasama rin ang ilang drug paraphernalia.

--Ads--

Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, patuloy ang pulisya sa pagpapaigting ng kampanya laban sa iligal na droga upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng lungsod.