Arestado ang isang 38-anyos na negosyante matapos makumpiskahan ng halos ₱900,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Zone 5 sa bayan ng Rosales sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa kapulisan na nakumpiska sa suspek ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 127.73 gramo, na may tinatayang halaga na ₱868,563.00.
Kinumpirma rin dito na ang suspek ay kabilang sa High Value Individual sa usapin ng illegal drugs.
--Ads--
Nahaharap na ang suspek sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng kapulisan sa Rosales upang masawata ang illegal na droga sa kanilang nasasakupan.










