DAGUPAN CITY- Dalawang biktima ang nasugatan sa insidente ng indiscriminated firing na naganap sa bayan ng Malasiqui, ayon sa impormasyong ibinahagi ng Pangasinan Police Provincial Office.
Nilinaw ni PCol. Arbel C. Mercullo, Provincial Director, Pangasinan PPO, ang ukol na ang nangyaring indiscriminated firing ay hindi kinasangkutan ng pulisya.
Aniya, ang suspek ay isang sibilyan na nagkaroon ng alitan sa harap ng isang bahay na kanyang kinasangkutan.
Sa gitna ng pagtatalo, kumuha ang suspek, isang sibilyan, ng baril mula sa loob ng kanilang tahanan at nagpaputok ng isang beses na itinuturing na warning shot.
Tumama ang bala sa lupa at tumalbog, dahilan upang masugatan ang biktima.
Nilinaw din ni PCol. Mercullo na hindi nangyari ang insidente noong bagong taon.
Naaresto rin ang suspek na gumamit ng .22 caliber na napag-alamang hindi licensed.
Patuloy ang koordinasyon ng Pangasinan PPO sa mga kinauukulang tanggapan upang maisampa ang kaukulang kaso laban sa suspek.










