DAGUPAN CITY- Hindi na umano bago ang pag-interbensyon ng Estados Unidos sa mga kinakaharap na suliranin ng iba’t ibang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucio Blanco Pitlo III, Foreign Affairs and Security Analyst, aniya, ang pagharap ni Venezuela President Nicolas Maduro sa korte ng Estados Unidos ay hindi na bago.
Aniya, magkakaroon ito ng epekto sa mga kalapit bansa ng Venezuela na kanilang major commodities exporter, tulad ng Brazil.
Gayundin sa mga bansang may isyu sa Estados Unidos ngayong pansamantalang pamumunuan nito ang Venezuela habang wala pang napipiling bagong lider.
Samantala, nakikitaan din ito ni Pitlo ng posibleng epekto sa produksyon ng krudo.
Bagaman hindi direct supplier ng Pilipinas ang Venezuela sa krudo, magkakaroon pa rin ito ng “knock-down effect” sa ibang bansang umaangkat.
Binigyan diin naman niya na makakaapekto sa imahe ng Venezuela sa Estados Unidos kung ipagpapatuloy ng susunod na liderato ang pamamalakad ni Maduro.










