Dagupan City – ‎Nasawi ang isang 17-anyos na lalaki matapos malunod sa Angalacan River na sakop ng Barangay Inlambo sa bayan ng Mangaldan.

Ayon kay Pltcol Perlito Tuayon COP, Mangaldan Ps, naligo ang biktima kasama kaniyang kaanak para sana i-enjoy ang huling-araw ng bakasyon nitong nagdaang holiday season.

Tatlo sakanila ang napunta sa malalim na bahagi ng ilog. Dalawa sa kanila, maswerteng nailigtas.

Sa kasamaang-palad, hindi na nakaahon ang 17-anyos at naiwan sa gitna ng ilog. Agad na nagsagawa ng search and retrieval operation ang Mangaldan Quick Response Team sa tulong ng pulisya at ng disaster response team.

Inabot ng gabi ang operasyon na tumagal ng dalawang oras bago natagpuan ang biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, malapit lamang sa ilog ang tirahan ng biktima na residente ng brgy lekep San Fabian.

Muling pinaalalahanan ng Mangaldan PNP ang publiko, partikular ang mga kabataan at magulang, na maging maingat at iwasan ang paliligo sa mga ilog na walang sapat na babala at bantay upang maiwasan ang kaparehong insidente.

--Ads--

Matatandaan na 2 menor de edad ang nasawi bago magpasko noong nakaraang buwan sa parehong ilog.