Dagupan City – Sugatan ang isang lolo matapos banggain ng van ang kanyang motorsiklo sa National Road, Brgy. Cabitnongan sa bayan ng Sa Nicolas, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ng isang 73-anyos na residente ng San Nicolas ang westbound lane, habang ang van naman na minamaneho ng isang residente ng Nueva Vizcaya at may 10 pasahero, ay patungo naman sa kabilang direksyon.
Naganap ang insidente nang biglang mag-U-turn ang motorsiklo mula sa shoulder lane papunta sa kabilang lane.
Dahil sa mabilis na takbo ng van, hindi na ito nakapagpreno at nabangga ang motorsiklo.
Dahil sa banggaan, nagtamo ng mga sugat ang driver ng motorsiklo at dinala sa ospital kung saan hindi naman nasaktan ang driver ng van at ang kanyang 10 pasahero.
Samantala, dinala naman ang mga sasakyan sa San Nicolas Municipal Police Station at patuloy pang inaalam ang halaga ng pinsala sa mga sasakyan










