Mananatiling nagkakaisa ang pamahalaan ng Venezuela, sa kabila ng pagkakadakip ng Estados Unidos kay Pangulong Nicolás Maduro na nagdulot ng matinding kawalang-katiyakan sa kinabukasan ng bansang mayaman sa langis sa Timog Amerika.
Kasalukuyang nakakulong si Maduro sa isang detention center sa New York at inaasahang haharap sa korte ngayong Lunes kaugnay ng mga kasong may kaugnayan sa drug trafficking.
Ito ay matapos ipag-utos ni U.S. President Donald Trump ang kanyang pag-aresto at inihaayag na kukunin ng Estados Unidos ang kontrol sa Venezuela.
Gayunman, sa kabisera ng Caracas, nananatili pa ring nasa kapangyarihan ang matataas na opisyal ng administrasyon ni Maduro.
Tinawag ng mga ito ang pagkakadakip kay Maduro at sa kanyang asawa na si First Lady Cilia Flores bilang isang “pagdukot” at mariing kinondena ang ginawang hakbang ng Estados Unidos.
Ayon sa pamahalaan ng Venezuela, patuloy ang kanilang operasyon at pamumuno sa kabila ng umiiral na krisis, habang patuloy ding sinusubaybayan ng international community ang mabilis na pagbabago ng sitwasyon sa bansa.









