Dagupan City – Bahagyang humina ang bentahan ng mga karne ng baboy sa pamilihang bayan ng Mangaldan apat na araw matapos ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon sa mga tindero sa pamilihan, pansamantalang bumaba ang demand ng karne ng baboy matapos ang selebrasyon, dahil karamihan sa mga mamimili ay nakapamili na at may natira pang handa mula noong Bagong Taon.
Dagdag pa ng mga nagtitinda, inaasahang babalik sa normal ang bentahan sa mga susunod na araw, kasabay ng pagbalik ng pang-araw-araw na pamimili ng mga residente.
Nanatili naman umanong sapat ang suplay ng karne ng baboy sa pamilihan at walang naitalang biglaang pagtaas ng presyo sa kasalukuyan.
Patuloy ring binabantayan ng lokal na pamahalaan ang presyo at kalidad ng karne na ibinebenta sa publiko upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili









