Nagsagawa ng isang press conference si US President Trump matapos ilunsad ng Estados Unidos ang mga opensiba laban sa Venezuela at makuha ang Pangulo ng bansa na si Nicolas Maduro.

Sinabi ni Trump na pamamahalaan muna ng US ang Venezuela “hanggang sa panahon na maaari nang isagawa ang isang ligtas, maayos, at makatarungang transisyon sa pamamahala.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng masusing plano ng Amerika upang matiyak ang katatagan at seguridad sa rehiyon bago isagawa ang anumang pagbabago sa pamahalaan.

--Ads--

Bago magsimula ang kanyang kumperensiya, ibinahagi ni Trump ang isang larawan nii Maduro na nasa USS Iwo Jima kung saan makikita sa imahe na nakapiring ang mata ni Maduro at may nakasuot na proteksyon sa tenga.

Sa mas maagang bahagi ng araw, iniharap sa korte sa New York si Maduro sa mga kasong may kaugnayan sa droga at armas.

Sinabi naman ng Attorney General ng US na haharapin niya “ang buong kaparusahan ng American justice sa American land at sa mga hukuman ng Amerika.