Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ng pamahalaan ng Venezuela sa kabisera upang magprotesta laban sa pagdakip ng Estados Unidos kay Pangulong Nicolás Maduro.

Bitbit ang mga bandila at plakard, mariing kinondena ng mga nagpoprotesta ang ginawang hakbang ng US, na ayon sa kanila ay isang paglabag sa soberanya ng kanilang bansa.

Ipinahayag ng mga demonstrador ang kanilang suporta kay Maduro at nanawagan ng pagkakaisa laban sa tinawag nilang panlabas na panghihimasok.

--Ads--

Nagpatupad naman ng mahigpit na seguridad ang mga awtoridad sa ilang bahagi ng Caracas upang mapanatili ang kaayusan habang nagpapatuloy ang mga kilos-protesta.

Patuloy na umuugong ang tensiyon sa Venezuela kasunod ng mga ulat tungkol sa pagdakip sa pangulo, habang hinihintay pa ang mga susunod na hakbang ng pamahalaan at ng international community.