Dagupan City – ‎Nabawasan ang mga naitatalang Bullying incident sa Mangaldan NHS dahil sa mas pinaigting na mga hakbang laban sa kaso ng bullying sa loob ng paaralan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga itinalagang disciplining authorities at mas mahigpit na security measures.

Ayon kay Eduardo Castillo, School Principal ng naturang paaralan, bahagi ng kanilang programa ang presensya ng mga awtoridad na tutok sa disiplina upang maagapan at agad maresolba ang anumang insidente ng pang-aapi sa loob ng campus.

Bukod sa mga security measures, tuloy-tuloy rin ang kanilang pag iimbita sa mga guest para sa mga isasagawang symposium, seminar, at awareness activities na tumatalakay sa masamang epekto ng bullying.

Mahalaga rin umano ang pakikipagtulungan sa mga magulang at mga guro upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga patakaran laban sa bullying.

Batay sa tala ng administrasyon, sa nakalipas na limang buwan ay wala umanong nairehistrong kaso ng bullying sa Mangaldan National High School.

Patuloy namang minomonitor ng pamunuan ang sitwasyon upang mapanatiling ligtas ang lahat ng mga mag aaral sa nasabing paaralan.