Nasa kustodiya ng Talavera Police Station ang dating alkalde ng bayan sa Nueva Ecija matapos umanong mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso sa isang buy-bust operation.

Ang 53-anyos na dating alkalde ay inaresto noong madaling-araw ng Disyembre 31, 2025, sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, isang undercover operative ang umakto bilang poseur-buyer at matagumpay na nakabili ng hinihinalang ilegal na droga mula sa suspek gamit ang marked money, na agad na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

--Ads--

Ayon sa Nueva Ecija Police Provincial Office, matagal nang mino-monitor ang suspek bago isinagawa ang operasyon.

Ang dating alkalde ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.