DAGUPAN CITY- Nagsimula ang bagong taon ng Simbahang Katoliko ng may mensahe ng pag-asa at pagbabago.
Ayon kay Rev. Fr. Christopher Sison, Parish Priest ng Our Lady of the Immaculate Conception Parish, sa bayan ng Umingan, ang pagsalubong sa bagong taon ay hindi lamang tungkol sa mga materyal na bagay, kundi isang pagkakataon upang magbago ng pananaw sa buhay.
Ipinaalala niya na, bagamat maraming nangyari sa nakaraang taon, ang mahalaga ay magkaroon ng bagong pananaw sa buhay, hindi lamang sa mga bagong gamit o bagay.
Sinabi rin niya na ang kaligayahan at contentment ay hindi nakasalalay sa mga materyal na bagay, kundi sa pagiging kuntento sa kung anong mayroon tayo.
Dagdag pa niya na ang mahalaga ay ang ating disposisyon sa buhay at hindi ang ating mga possessions.
Inisip din ni Fr. Sison ang mga mahihirap na karanasan sa nakaraang taon, at binigyang-diin na wala umanong mga pagkakamali sa mundo kundi mga pagkakataon upang matuto at magbago.
Binigyang diin ni Fr. Sison ang pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natamo at ang pagpapalaganap ng pagmamahal at inspirasyon sa bawat isa.
Hinihikayat ng simabahang Katoliko ang bawat isa na magpatuloy sa pagbibigay inspirasyon at pagmamahal sa mga taong kanilang pinaglilingkuran.










