Dagupan City – ‎Maaga pa lamang ay puspusan na ang paghahanda ng General Services Office o GSO ng Bayan ng Mangaldan para sa taunang selebrasyon ng New Year Costume Ball 2026 na handog ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan.

‎Ayon kay Grace Ignacio, Administrative Assistant IV ng GSO Mangaldan, sinimulan na agad ng kanilang tanggapan ang pagsasaayos ng plaza at ng Municipal Public Auditorium upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang magiging venue ng pagdiriwang sa Enero 1, ganap na alas-sais ng gabi.

‎Kabilang sa mga inihahanda ng GSO ang paglilinis ng paligid, pag-aayos ng stage at seating area, paglalagay ng mga dekorasyong akma sa temang Retro, at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan para sa maayos na daloy ng programa.

‎Kasama rin sa programa ang iba’t ibang paligsahan tulad ng Best in Costume para sa group at individual categories, Biggest Delegation, First Group to Arrive, at ang Search for Binibini at Ginoong Bagong Taon 2026.

‎Patuloy naman ang paalala ng LGU Mangaldan sa publiko na makiisa at sundin ang mga alituntunin upang maging maayos at ligtas ang selebrasyon.