Normal lamang ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa Trinidad and Tobago.
Ayon kay Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent sa Trinidad and Tobago sa Caribbean Islands, hindi ito katulad ng sa Pilipinas na may maraming pamahiin.
Sa kanila, simple lamang ang selebrasyon.
May ilang hotel at restoran na nag-oorganisa ng salu-salo para sa pagdiriwang ng New Year’s Eve, ngunit simple lang din ang paghahanda sa loob ng mga bahay.
Kabaliktaran ng Pilipinas na maingay ang pagsalubong sa Bagong Taon, hindi ito ginagawa sa Trinidad and Tobago.
Wala ring magarbong fireworks display sa kanilang lugar.
Sa halip, ang pinakainaabangan ng marami ay ang Carnival na ginaganap tuwing buwan ng Pebrero. Kaugalian din nilang maghanda ng pagkain na pinagsasaluhan ng buong pamilya.
Sa kasalukuyan, wala ring masyadong turista sa Trinidad and Tobago ngayong holiday season.










