Mahigpit na tinututukan ng San Manuel Municipal Police Station ang kaligtasan sa mga itinalagang firecracker zone sa iba’t ibang barangay ng bayan bilang paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon sa kapulisan, mahalaga na sundin ang mga alituntunin sa loob ng mga firecracker zone upang maiwasan ang anumang aksidente at matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Nakapagtalaga ang bayan ng San Manuel sa bawat barangay ng firecracker zone na dapat ay bukas at maluwag, malayo sa kabahayan, at ligtas sa sunog o aksidente.

--Ads--

Binigyang-diin ng kapulisan na dapat matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na ang mga bata at iba pang vulnerable na sektor, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng safety measures at regular na pagbabantay.

Layunin din ng pagbabantay na maging mapayapa at ligtas ang pagdiriwang ng Bagong Taon para sa lahat.