DAGUPAN CITY- Ang pagtigas ng nyebe sa daan ang nakikitang isang dahilan sa malaking pile-up accident ng mga sasakyan sa Kan-Etsu Expressway sa Gunma Prefecture, eastern Japan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, ang madulas na daanan ang nagdulot ng tila “domino effect” sa mga sasakyan upang magbanggaan matapos ang naunang banggaan ng isang truck at mas maliit pa na truck.
Sa 67 na nagbundulan na mga sasakyan, 10 (sampo) sa mga ito ay sumabog o nasunog na kalaunan ay nagdulot ng 2 pagkasawi at pagkasugat na umaabot sa 26 na pasahero.
Lima (5) naman sa mga sugatan ay nananatiling nasa seryosong kalagayan.
Hindi umano karaniwan ang ganitong insidente sa Japan sapagkat masunurin ang mga drivers sa bansa sa batas-trapiko.
Gayunpaman, hindi naging pabaya ang mga awtoridad na magpaalala sa publiko na mag-iingat sa pagmamaneho dahil sa maaaring aksidenteng maidulot ng panahon.
Samantala, ‘passable’ na o maaari nang madaanan ang naturang highway na pinag-ganapan ng aksidente.









