Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang hilagang-silangang baybayin ng lungsod ng Yilan, kung saan humigit-kumulang 30 kilometro mula sa baybayin, nitong Sabado ng gabi (Disyembre 27), ayon sa Weather Administration ng Taiwan.
Ayon sa ulat, naramdaman ang pagyanig sa mga gusali sa kabisera ng Taipei, at may lalim na 73 kilometro (45 milya).
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang pagsusuri sa pinsala, ayon sa National Fire Agency.
Tinukoy na nasa ikaapat na antas sa seven-tier intensity scale ng Taiwan ang lakas ng lindol sa ilang lugar, kabilang ang Lungsod ng Taipei, Hualien County, at Yilan County.
Ang lindol na ito ay dumating ilang araw lamang matapos ang 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa timog-silangang bahagi ng isla noong Miyerkules, bagama’t walang naiulat na pinsala.
Matatagpuan ang Taiwan malapit sa junction ng dalawang tectonic plates, dahilan kung bakit madalas makaranas ang bansa ng lindol.










