DAGUPAN CITY- Nasugatan ang isang 43-anyos na lalaki matapos mabangga ng motorsiklo sa municipal road ng Brgy. Carriedo sa bayan ng Tayug.

Kinilala ang biktima na isang lending collector na residente ng Brgy. Carriedo sa bayan at nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Ang nakabangga sa kanya 53 anyos na may asawa, tricycle driver, residente ng Brgy. Poblacion D, sa bayan na nagmamaneho ng isang Honda Wave 125, kulay orange.

--Ads--

Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan na ang motorsiklo ay bumabagtas sa nasabing kalsada patungo sa kanluran, habang ang biktima ay naglalakad sa gilid ng kalsada sa parehong direksyon.

Sa pagdating sa madilim na bahagi ng kalsada, biglang tumawid ang biktima at aksidenteng nabangga ng motorsiklo.

Nagresulta ang insidente sa pagkakaroon ng head injury ng biktima.

Hindi naman nasugatan ang driver ng motorsiklo.

Agad na dinala ang dalawa sa Eastern Pangasinan District Hospital para sa medikal na atensyon at pagsusuri.

Bukod dito, nagtamo ng pinsala ang motorsiklo, na ang halaga ng pagpapaayos ay hindi pa natutukoy.