Dagupan City – Halos magkapareho ng handa at tradisyoin sa pagdiriwang ng New Year ang bansang Norway sa Pilipinas.
Ayon kay Abegail Mercado, Bombo International News Correspondent sa Norway, napansin niya sa loob ng dalawang taon niyang pananatili roon na halos magkakapareho lamang ang mga inihahandang pagkain tuwing Pasko at Bagong Taon sa naturang bansa.
Kabilang sa mga karaniwang handa ang patatas, oven-baked meat, sausages, at mga espesyal na sauce na partikular sa kanilang kultura.
Pagdating naman sa mga dekorasyon, karaniwan nang nagsisimula ang mga Norwegian sa paglalagay nito tuwing buwan ng Disyembre, hindi tulad sa Pilipinas na umaabot na sa Setyembre ang pagsisimula ng Christmas decorations.
Mayroon din umanong sari-sariling tradisyon ang mga taga-Norway sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Samantala, sa Pilipinas, nananatili ang iba’t ibang paniniwala gaya ng pagsusuot ng damit na may polka dots at paglalagay ng mga bilog na prutas sa mesa bilang simbolo ng suwerte at kasaganaan sa darating na taon.










