Photo Courtesy: Dagupan City Government - Information Office

Kumpirmadong ang mga paputok na nakaimbak sa loob bahay ang sanhi ng malakas na pagsabog sa Sitio Boquig, Barangay Bacayao Norte sa lungsod ng Dagupan na ikinasawi ng 2 katao at walong iba pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay pol col. Orly Pagaduan, City director ng Dagupan City police, sinabi nito na batay sa initial na imbestigasyon ay
nakaimbak ang mga paputok sa loob ng bahay at hinihinalang sa loob din ng bahay ginagawa ang mga paputok kabilang dito ang malalakas na uri.

Sa lakas ng pagsabog ay nadaganan ng semento ang isang bata .
Ang mga biktima ay anak at asawa ng may ari ng bahay .

--Ads--

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng batang babae at lalaki na nasa hustong gulang.

Agad din namang dinala sa ospital ang mga biktima subalit, namatay ang dalawa habang nasa pagamutan pa ang iba pa.

Una nang inilarawan ng mga kapitbahay na sobrang lakas ng pagsabog ay damay ding nabasag ang salamin ng kanilang bahay. TInatayang nasa limang bahay ang nadamay ng malakas napagsabog

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Sinabi ni Pagaduan na hindi agad natukoy ang nasabing imbakan dahil nasa loop mismo ng bahay kaya nanawagan siya sa publiko na ireport sa kanila kung may mga kahalitulad naillegal na pagawaan ng paputok

Samantala, personal na nagtungo si Dagupan City Mayor Belen Fernandez, kasama si Vice Mayor Bryan Kua, sa pinangyarihan ng insidente upang matiyak na may agarang aksyon at mahigpit na koordinasyon ng mga ahensya, lalo na sa imbestigasyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang alkalde sa mga biktima at nagpaalala naman ito sa pag-iingat sa paggamit ng paputok sapagkat maari itong maging mitsa ng isang buhay.