Isa ka bang fur-parent, kabombo? Sabi nga nila ang pusa ay may siyam na buhay.

Babala, sensitibong impormasyon ito. Ano na lamang ang magiging reaksyon mo kung malaman mong may isang pusa na aksidenteng nailaba sa loob ng washing machine?

Paano ba naman kasi, tila himalang nakaligtas ang isang pusa sa Eastern China matapos itong aksidenteng makulong at umikot sa loob ng umaandar na washing machine sa loob ng sampung minuto.

--Ads--

Ang pusa ay kinilalang si Jintiao.

Ayon sa owner, nadiskubre na lamang nito na ang kaniyang fur-baby ay nasa loob ng machine matapos ang cycle.

Sa kabutihang palad nagtamo si Jintiao ng minor injuries, namumula ang ilong at basang-basa ang balahibo, ngunit wala itong malubhang injury.

Sa isang follow-up video makalipas ang dalawang araw, makikitang masigla na ulit si Jintiao at parang walang nangyari.

Gayunman, umani ito nang matinding batikos mula sa mga netizens at marami ang nagalit at inakusahan siya ng kapabayaan.

Kinuwestyon nila kung bakit kinuhaan pa niya ng video ang nanginginig na pusa sa halip na dalhin agad ito sa beterinaryo.

Depensa naman ng iba, baka takot lang ang amo na hawakan ang pusa dahil baka may internal injuries ito.

Nanawagan naman ang mga veterinary experts sa mga pet owners na ugaliing i-check lagi ang loob ng mga applian­ces tulad ng washing machine at dryer bago ito paandarin.

Dahi madalas na nagtatago sa mga appliances na nabanggit ang mga pusa na naghahanap ng masisiksikan para hindi ginawin.