Inaasahang magdadala ng matinding enerhiya, mabilisang pagbabago, at ilang hamon sa iba’t ibang aspeto ng buhay ang pagpasok ng year of the fire horse sa 2026.

Ayon Master Hanz Cua Feng Shui expert, ang elementong apoy ang magiging prominent sa darating na taon.

Idinagdag niya na ang kabayo ay mabilis kumilos kumpara sa ahas, kaya’t maraming bagay ang magaganap nang biglaan.

--Ads--

Sa aspeto ng kayamanan, sinabi ni Cua na kakulangan sa financial opportunities ang inaasahan, lalo na para sa mga may negosyo o may kinalaman sa pera.

Inirekomenda niya ang kulay asul upang magkaroon ng elementong tubig at makabalanse sa init ng apoy.

Bukod dito, babala rin ang eksperto sa posibleng pagtaas ng stress at anxiety sa lipunan, at mas maraming development sa mga virus at anti-aging products.

Sa karera naman aniya ay inaasahan ang tagumpay at pagkakaroon ng kompetisyon, kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng social media presence.

Sa pag-ibig naman, magiging impulsive at pabago-bago ang damdamin, ayon kay Cua.

Maaari hindi paboran ng darating na taon ang mga ipinanganak sa year of the rat subalit aniya ang mga ito ay gabay lamang at nasa tao pa rin ang kanilang kapalaran.