Naging maayos at mapayapa ang pagdaraos ng siyam na araw ng Simbang Gabi sa iba’t ibang simbahan sa lungsod ng Dagupan, ayon sa Dagupan City Police Office.
Batay sa ulat ng DCPO, walang naitalang anumang insidente kaugnay ng pagdiriwang ng Misa de Gallo mula unang araw hanggang sa huling araw ng Simbang Gabi.
Tiniyak ng kapulisan ang presensya ng mga pulis sa mga lugar na dinagsa ng mga mananampalataya, partikular sa mga simbahan at karatig na kalsada.
Ayon kay City Director Col Pagaduan ng DCPO, naging malaking tulong ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad.
Kabilang dito ang Public Order and Safety Office o POSO, City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO, at iba pang emergency response teams na nakaantabay sa buong panahon ng pagdiriwang.
Kabuuang siyam na simbahan sa lungsod ang mahigpit na binantayan ng mga awtoridad, lalo na tuwing madaling araw kung kailan ginaganap ang mga misa.
Bukod sa seguridad, binantayan din ang daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga nagsisimba.










