Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Most Rev. Gilbert A. Garcera, D.D., President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Arsobispo ng Lipa, sa lahat ng tagapakinig at manonood ng Bombo Radyo at Star FM.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Archbishop Garcera ang kahalagahan ng diwa ng Pasko, nawa’y patuloy itong manahan sa puso ng bawat isa at magsilbing gabay sa araw-araw na gawain.

Hinikayat niya ang mamamayan na isabuhay ang mga pagpapahalagang nagdadala ng kapayapaan, katarungan, at awa ng Diyos sa kani-kanilang pamayanan.

--Ads--

Ayon pa sa Arsobispo, sa gitna ng mga hamon ng panahon, mahalagang manatiling buo ang pananampalataya at malasakit sa kapwa upang mapanatili ang pagkakaisa at pag-asa sa lipunan.

Bilang pagtatapos, nagpaabot si Most Rev. Garcera ng taos-pusong pagbati ng isang mapagpalang Pasko para sa lahat, nawa’y maging makabuluhan at puno ng biyaya ang pagdiriwang ng kapanganakan ng Panginoon.