Dagupan City – Isinagawa ang Change of Office Ceremony at Turnover of Command ng 104th Community Defense Center (CDC) sa Camp Malong, Binmaley, sa ilalim ng pamumuno ng 1st Regional Community Defense Group (1RCDG).

Nasa seremonya ang Outgoing Director, na si Col Felipe Martinez JR, Incoming Officer-in-Charge Director, LTC PEDRO DACANAY JR, at nagsilbi namang Guest of Honor and Presiding Officer si Col Leopoldo Babante.

Ayon kay LTC Dacanay, ang 104th CDC ay napiling maging pilot unit para sa pagpapatupad ng Territorial Defense ng 1st Regional Defense Group.

--Ads--

Binubuo ito ng mga regular na infantry at maneuver battalions na layong palakasin ang kahandaan sa depensa sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-equip ng mga aktibong reservist sa lalawigan ng Pangasinan.

Dagdag pa niya na ang Territorial Defense ay nakapaloob sa mandato ng Civil-Military Operations at nananatiling alinsunod sa Republic Act 7077, na nagsasaad ng tungkulin ng Reserve Force sa pagtugon sa mga kalamidad, serbisyong pangkomunidad, at national emergency.

Plano umano ng Reserve Command na sa unang kwarter ng 2026 na organisahin ang 104th Ready Reserve Infantry Battalion bilang bahagi ng Territorial Defense sa Pangasinan.

Samantala, nagpasalamat naman ang bagong OIC sa kanyang Group Commander na si Col. Babante sa ibinigay na tiwala at kumpiyansa.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Lt. Col. Edgar Renante, Commanding Officer ng 104th Ready Reserve Infantry Battalion, sa aktibong pamumuno at patuloy na mga gawain sa lalawigan.

Inaasahan din ang patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan upang higit pang mapalakas ang kakayahan at kahandaan ng Reserve Force sa Pangasinan.