Dagupan City – Isinagawa ng mga awtoridad ang isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 26-anyos na lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 kamakailan sa Brgy. Ventinilla, sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Ang suspek na isang welder na residente ng Brgy. Tuliao sa nasabing bayan ay naaresto sa bisa ng operasyong isinagawa ng pulisya kung saan nasamsam sa kanya ang ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline granules na pinaghihinalaang shabu na nakuha bilang buy-bust item kapalit ng limandaang pisong buy-bust money, gayundin ang dalawa pang sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

--Ads--

Ang kabuuang tinatayang bigat ng nakuhang hinihinalang shabu ay humigit-kumulang 0.20 gramo na may tinatayang halaga na Php1,360.

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Sta. Barbara Police Station para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon, at kalaunan ay isasailalim sa laboratory at drug test examination.